Player FM - Internet Radio Done Right
Checked 6d ago
Lisätty four vuotta sitten
Sisällön tarjoaa 105.9 True FM. 105.9 True FM tai sen podcast-alustan kumppani lataa ja toimittaa kaiken podcast-sisällön, mukaan lukien jaksot, grafiikat ja podcast-kuvaukset. Jos uskot jonkun käyttävän tekijänoikeudella suojattua teostasi ilman lupaasi, voit seurata tässä https://fi.player.fm/legal kuvattua prosessia.
Player FM - Podcast-sovellus
Siirry offline-tilaan Player FM avulla!
Siirry offline-tilaan Player FM avulla!
Kuuntelemisen arvoisia podcasteja
SPONSOROITU
At the dawn of the social media era, Belle Gibson became a pioneering wellness influencer - telling the world how she beat cancer with an alternative diet. Her bestselling cookbook and online app provided her success, respect, and a connection to the cancer-battling influencer she admired the most. But a curious journalist with a sick wife began asking questions that even those closest to Belle began to wonder. Was the online star faking her cancer and fooling the world? Kaitlyn Dever stars in the Netflix hit series Apple Cider Vinegar . Inspired by true events, the dramatized story follows Belle’s journey from self-styled wellness thought leader to disgraced con artist. It also explores themes of hope and acceptance - and how far we’ll go to maintain it. In this episode of You Can't Make This Up, host Rebecca Lavoie interviews executive producer Samantha Strauss. SPOILER ALERT! If you haven't watched Apple Cider Vinegar yet, make sure to add it to your watch-list before listening on. Listen to more from Netflix Podcasts .…
Think About It by Ted Failon
Merkitse kaikki (ei-)toistetut ...
Manage series 2934045
Sisällön tarjoaa 105.9 True FM. 105.9 True FM tai sen podcast-alustan kumppani lataa ja toimittaa kaiken podcast-sisällön, mukaan lukien jaksot, grafiikat ja podcast-kuvaukset. Jos uskot jonkun käyttävän tekijänoikeudella suojattua teostasi ilman lupaasi, voit seurata tässä https://fi.player.fm/legal kuvattua prosessia.
Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!
…
continue reading
181 jaksoa
Merkitse kaikki (ei-)toistetut ...
Manage series 2934045
Sisällön tarjoaa 105.9 True FM. 105.9 True FM tai sen podcast-alustan kumppani lataa ja toimittaa kaiken podcast-sisällön, mukaan lukien jaksot, grafiikat ja podcast-kuvaukset. Jos uskot jonkun käyttävän tekijänoikeudella suojattua teostasi ilman lupaasi, voit seurata tässä https://fi.player.fm/legal kuvattua prosessia.
Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!
…
continue reading
181 jaksoa
Kaikki jaksot
×T
Think About It by Ted Failon

Sa huling araw ng sesyon ng Kongreso, bago ang kanilang recess para sa Halalan, nilagdaan ng 215 na mga Kongresista ang Verified Complaint for Impeachment para papanagutin si Vice President Sara Duterte sa anila'y Culpable Violation of the Constitution, Betrayal of Public Trust, Graft and Corruption, and other High Crimes. Kung inabot ng dalawang buwan bago tuluyang ma-impeach ng Kamara ang Bise Presidente, ilang araw, linggo, buwan, o taon naman kaya ang bibilangin para magsimula ang Senado sa proseso ng impeachment trial? Pinagdedebatehan ngayon ang nakasaad sa ating Konstitusyon kaugnay sa proseso ng impeachment na sinasabing pagkatapos pagbotohan ng 1/3 ng mga miyembro ng Kamara ang resolusyon na naglalaman ng Articles of Impeachment, trial by Senate shall forthwith proceed–dapat isunod agad ang paglilitis ng Senado. Subalit iwinawaksi ng liderato ng Senado ang suhestyon sa pagpapatawag ng special session para aksyunan ang impeachment complaint. Sa halip na isunod agad o gawin agad ay tila pinatatagal ang pagsisimula ng proseso ng impeachment trial. Bakit kaya? Think about it. #TedFailonAndDJChaCha #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV…
Walang habas at hindi na natitigil ang korapsyon sa Pilipinas na siyang dahilan ng patuloy na paghihirap ng napakaraming pamilyang Pilipino. Kaya isang mambabatas ang nagsusulong ng batas na magpapataw ng death penalty sa pamamagitan ng firing squad, para sa mga opisyal ng pamahalaan na mapapatunayang korap at nagnakaw sa kaban ng bayan. Sa pamamagitan nito, matigil na kaya ang mga politikong magnanakaw sa ginagawa nilang pangungulimbat ng milyon-milyon, daang milyon, bilyong pisong pera ng bayan? O tanging mga ordinaryong magnanakaw lamang–mga maliliit na isda–ang mapaparusahan, dahil ang lahat ay dadaan pa rin sa due process? At makapagpapatuloy pa rin sa kanilang pandarambong ang mga politikong magnanakaw na nagpapanggap na lingkod bayan. Think about it. #TedFailonAndDJChaCha #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV…
Sa inilabas na Executive Order No. 62 ni Pres. Bongbong Marcos noong Hunyo 2024 na nagbaba ng taripa sa imported rice, inasahan ng gobyerno na bababa rin ang presyo ng bigas sa mga palengke. Bilyon-bilyong piso na ang nawalang pera ng bayan dahil sa pagpapababa ng taripa subalit hanggang ngayon ang pangakong mababang presyo ng bigas ng Kagawaran ng Agrikultura ay hindi pa rin nangyayari. Bagkus ay mas yumaman pa raw ang importers at traders ng imported na bigas dulot ng pagbaba ng taripa na ibinulsa lang naman ng mga trader. Mga mapagsamantalang traders at importers na hanggang ngayon ay hindi matukoy at matugis ng gobyerno sa kabila ng bilyon-bilyong pisong pondo para sa kanilang confidential at intelligence funds. Kaya naman ang pangakong murang bigas, ay nauwi lamang sa puro paasa! Think about it. #TedFailonAndDJChaCha #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV…
Sinasabing may demokrasya sa Pilipinas sapagkat inihahalal natin ang mga lider ng bansa sa pamamagitannnt umano'y malayang halalan. Subalit demokrasya rin ang madalas na pangsalag ng mga dumidepensa kapag may kumukwestyon sa ginagawang pagpapatakbo ng gobyerno sa Pilipinas. Sa kasalukuyang komposisyon ng mga nagtatabaang dinastiya sa Senado at Kamara de Representante at mga lokal na pamahalaan, at sa nangyayaring paghahari ng mga bilyonaryo at negosyante sa ating lehislatura, umiiral ba talaga ang tunay na demokrasya sa Pilipinas? Tunay bang malaya ang ating bayan kung mangilan-ngilan na lang ang naglalakas loob na banggain ang kabuktutan ng mga dambuhala't makapangyarihang angkan sa buong bansa? Think about it. #TedFailonAndDJChaCha #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV…
#TedFailonandDJChaCha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19! Ang Universal Health Care Act at ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang dapat sana'y sandalan ng mga Pilipino sa panahon ng pagkakasakit. Subalit bigo sila sa pagpapatupad ng mandatong ito. At mas lalo pang magtitiis ang mga Pilipino sa barat na benepisyo ng PhilHealth dahil sa susunod na taon ay wala nang ilalaan na pera ang national government para sa korporasyon. Kaltas ang budget para sa kalusugan ng mga Pilipino, pero may dagdag na bilyon-bilyong pisong pondo para sa DPWH, AKAP at nagbigay din ng dagdag panggastos para sa Kamara de Representante. Ang ilang opisyal ng gobyerno na swapang sa pera ang dahilan kung bakit maraming hikahos na Pilipino ang hindi malaman kung saan kukuha ng pampaospital at walang magawa kundi magmakaawa sa mga pulitiko. Mga swapang na pulitiko na dahilan kung bakit ikinamamatay na lang ng iba ang paghihintay sa pambayad sa ospital. Think about it. #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV…
#TedFailonandDJChacha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19! Bicameral Conference Committee. Bicam. Ang pagpupulong ng mga kinatawan ng House of Representatives at Senado, para pag-usapan at desisyunan ang hindi pinagkakasunduang mga probisyon sa isang panukalang batas gaya ng panukalang pambansang budget. Iminamandato ng ating Konstitusyon — maliban lamang sa usaping may kinalaman sa pambansang seguridad — na ang lahat ng pinag-uusapan sa bawat kapulungan ng Kongreso ay may rekord na dapat ding inilalathala para sa kaalaman ng publiko. Transparency ang diwa ng probisyong ito, o ang pagiging bukas sa publiko ng Kongreso sa mga deliberasyon at desisyon ng mga miyembro nito. Pero tila hindi nasusunod ang probisyong ito ng Saligang Batas sa ginagawang pagpupulong ng Bicameral Conference Committee sa ating pambansang budget. Kung kaya’t kapag naging ganap na batas na ang pambansang budget, doon lamang lumalabas ang mga naisingit na probisyon sa bicam tulad ng pagkuha sa sobrang pondo ng PhilHealth at paglalaan ng labis na pera para sa isang ayuda program na wala naman sa panukalang budget ng Malacañang — mga probisyon na ikinagulat hindi lang ng publiko, kundi pati ng mga senador at ilang kongresista. Sa haba ng panahon at laki ng gastos para sa deliberasyon ng pambansang budget, ang sasabihin lang ng mga mambabatas ay, “Nalusutan kami?” Kung mismong ang mga senador at mga kongresista ay nalulusutan ng sabwatan sa pera ng bayan, paano pa kaya tayong mga pangkaraniwang mamamayan? Think about it. #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV…
Inyo bang naaalala ang dalawang hypercar na Red at Blue Bugatti na tumawag sa atensyon hindi lamang ng publiko kundi maging ng Senado dahil nalantad na ang dalawang bugatti ay smuggled at ang mga plaka at rehistro ay kwestyunable? Ibinebenta na ng Bureau of Customs (BOC) ang mga isinukong hypercar pero wala pa ring balita kung sino ang mga smuggler at mga kasabwat sa BOC at Land Transportation Office (LTO) kung saan nairehistro ang mga ito. Tikom na ang bibig ng pamunuan ng BOC at LTO. At kahit naghain na ng resolusyon sa Senado tungkol sa umano'y talamak na smuggling ng luxury cars ay wala ni isang pagdinig na ipinatawag. Kung sa isyung ito ng mga hypercar ay wala pa ring nailalatantad na nasa likod ng illegal smuggling kahit na klaro na ang lahat ng pangyayari at suportado pa ng mga dokumento para tukuyin kung sino-sino ang mga nagkuntsabahan, paano pa sa marami pang kuntsabahan na ginagawa ng nga tiwaling kawani ng pamahalaan? Think about it. #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV…
#TedFailonandDJChacha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19! Umuugong ang usap-usapan tungkol sa posibleng paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa hindi maipaliwanag na paggasta ng confidential funds ng tanggapan ng bise presidente at ng DepEd sa panahon ng panunungkulan niya bilang kalihim ng ahensya. Ang impeachment ay isang paraan ng pagpapanagot sa mga matataas na opisyal ng bayan. Isa itong constitutional duty ng dalawang kapulungan ng Kongreso. Sa kasaysayan ng Pilipinas, iisa pa lamang ang impeachment process na natapos at nauwi sa conviction at pagkakatanggal sa pwesto ng isang dating Chief Justice ng bansa. Kung susuriin ang reyalidad na kasalukuyang nangyayari sa ating bayan at politika na umiiral sa dalawang kapulungan ng Kongreso, maging ang namamayaning klima ng ating halalan sa ngayon, maaari nga bang maalis sa pwesto si VP Sara sa pamamagitan ng impeachment process? Taglay nga ba ng mga miyembro ng dalawang kapulungan ng ating Kongreso ang diwa at prinsipyo ng Konstitusyon para mapanagot ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan na nagkasala sa ating bayan? Think about it.…
Kahirapan at mataas na antas ng korapsyon–ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nanguna ang Pilipinas sa pinakabagong World Risk Index o listahan ng mga bansang mas matindi ang nararanasang epekto sa pagtama ng mga sakuna. Naaabuso ang salitang "resilient" na katangian ng mga Pilipino sa panahon ng kalamidad kaya kapag natapos na ang bagyo at nakapamudmod na ng relief goods ang pamahalaan at ang mga politiko, tuloy lang ulit ang buhay ng mga biktima. Magkaroon man ng imbestigasyon sa sanhi ng kalamidad at pagbaha, wala namang napapanagot na mga tao na nagkulang sa pagpapatupad ng flood control projects ng gobyerno. Higit sa mga natural na sakuna na hinaharap ng Pilipinas taun-taon ay ang hindi matapos-tapos na kalamidad na dulot ng kasakiman ng mga tao sa bilyon-bilyong pisong pera ng bayan na nakalaan sa mga proyektong kailangan para mabawasan ang pagbabaha. At ang masakit na trahedya ay ang pananahimik at mistulang pagpayag na lamang ng mga Pilipino na mangyari ang kasakimang ito sa ating bayan. Think about it.…
Lumalabas sa pinakahuling pagtatanong ng Social Weather Stations (SWS) na higit 16 milyong pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap. Ngayong taon lamang, ang Kongreso ay naglaan ng higit 160 bilyong piso para sa pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng mga programang 4Ps, AKAP at AICS, na kung susuriin ay halos pare-pareho naman ang mga benepisyong ibinibigay—mga programang inuulan ng litrato, tarpaulin at presensya ng ilang mga pulitiko tuwing may bigayan. Iba pa ang 4Ps, AKAP at AICS sa mga subsidiya mula sa iba pang mga departamento ng pamahalaan kagaya ng TUPAD ng DOLE, na kahirapan ng mga Pilipino pa rin ang gustong solusyunan. Habang patuloy na lumalaki ang inilalaang pera ng bayan para sugpuin ang kahirapan, bakit patuloy namang dumarami ang mga Pilipinong nagsasabing sila ay naghihirap? Kaya tuloy ang ilang pulitiko tila sa kahirapan din namumuhunan para utuin ang taong-bayan. Think about it.…
Ang diwa ng party-list system sa Saligang Batas ay para magkaroon ng representante sa Kongreso ang mga miyembro ng lipunan na tinaguriang marginalized, o mga sektor na hindi binibigyang halaga, at underrepresented, o mga sektor na kulang ang representasyon. Ngunit sa nagdaang party-list elections, lalong lumilinaw ang katotohanan na nasasalaula na ang busilak na adhikain ng party-list system. Sa pag-aaral na ginawa ng election watchdog na Kontra Daya noong 2022 elections, may mga party-list group na may koneksyon sa political dynasties, malalaking negosyo, at maging sa gobyerno at militar, at ang iba’y hindi klaro ang adbokasiya. Nangyayari ito nang dahil na rin sa desisyon ng Korte Suprema na ang tumatakbong party o organisasyon ay hindi na kinakailangang nakahanay sa anumang sektor at hindi na kailangang kumatawan sa mga marginalized at underrepresented. Sapat na ang pagkakaroon ng adbokasiya para sa ipinaglalabang sektor. Papayagan na lang ba natin na magtuloy-tuloy at lalo pang tumindi ang kabuktutan sa party-list system? Think about it.…
Ipinangako ng mga taong gobyerno na nag-apruba sa Executive Order No. 62 noong Hunyo na ang kautusan na ito ay magpapababa sa presyo ng bigas at magpapatatag sa supply nito. Kaya sa harap ng maingay na protesta ng iba't-ibang grupo sa sektor ng agrikultura, itinuloy ang pagpapatupad sa EO 62, na nagmamandatong ibaba ang taripa o buwis sa pag-aangkat ng bigas sa 15%, mula 35%. Dahil dito, umaasa ang ating mga mamamayan na bababa ang presyo ng bigas. Subalit sa kabila ng paulit-ulit na pangako ng mga taga Department of Agriculture, National Economic and Development Authority, at iba pang mga opisyal ng gobyerno, ang katotohanan ay sa halip na bumaba ang presyo ng bigas, ito ay nananatiling mataas. At ang pangako ng gobyerno na pagbaba ng presyo ng bigas ay nananatiling pangako na nanganganak pa ng mga pangako na puno rin ng kasinungalingan. Think about it. #TedFailonandDJChacha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM…
Sa naganap na mga hearing kamakailan lamang sa 2025 budget ng DOTr at DPWH, tila nagulat at naguluhan ang ilang miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso na nawalan ng pondo ang malalaki at pangunahing proyekto ng dalawang ahensya na ito—mga reaksyon na mahirap tanggapin dahil sila rin naman ang gumawa at nag-apruba sa pambansang budget noong nakaraang taon. Ang paghahanda sa taunang pambansang budget ay isang mabusisi, mahaba at magastos na proseso upang matukoy ang mga pinakaimportanteng programa at proyekto ng gobyerno na dapat paglaanan ng pondo. Ngunit ang napakahalagang proseso na ito ay nawawalan ng saysay dahil sa umiiral na time-honored tradition ng pagbabago at pagsingit sa budget sa deliberasyon ng bicameral conference committee, na agad namang inaaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso. Time-honored tradition na isinasangkalan para dumulas ang budget ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, maging budget ng Senado at Kamara de Representantes. Nawawalan ng kabuluhan ang dapat sana ay mahigpit at masinsinang pagsuyod sa pambansang budget na paglalaanan ng pera ng bayan dahil sa maling tradisyon ng Kongreso at kawalan ng dangal ng maraming pulitiko. Think about it.#ThinkAboutIt #TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM…
Isa sa mga diwa at adhikain ng ating demokrasya ay ang prinsipyo ng checks and balances. Sa tatlong sangay ng gobyerno, poder ng Kongreso na aralin, suriin, at pangalagaan ang paggasta sa pera ng bayan. Kung totoo ngang gumagana ang prinsipyo ng checks and balances sa Pilipinas, bakit mabilis na inaaprubahan ng mga mambabatas ang budget ng iba't-ibang mga departamento na nakitaan ng COA ng iregularidad at pag-aaksaya sa paggasta, kabilang ang sinasabing Notice of Disallowances, at hindi man lang pinagpapaliwanag kung paano nila ito tinutugunan at isinasaayos? At kung sila-sila ring mga mambabatas ang mag-aapruba sa budget ng dalawang kapulungan ng Kongreso, sino ang bubusisi sa mga bumubusisi? Paano maisasadiwa ang check and balance sa sangay ng gobyerno na pinagkalooban ng Power of the Purse? Think about it.…
Paglago ng ekonomiya, pagbaba ng antas ng kahirapan—iyan ang malugod na inanunsyo ng ating gobyerno kamakailan lamang. Ngunit kung susuriin ang 2023 Poverty Statistics na inilathala ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas na ang mga rehiyon na may mas mataas na inflation rate at mas mababa pa sa P450 ang daily minimum wage, ay siya ring mga rehiyon na marami ang bilang ng mga Pilipinong naghihirap. Sa mahal ng gastusin at barat na arawang sahod, hindi naaabot ng mga mamamayan sa mga rehiyon na ito ang poverty threshold na itinakda ng PSA para maituring silang non-poor population. Subalit, tunay nga bang may reklamo ang mga manggagawa at pamilyang naghihirap sa mga rehiyon na ito? O sila'y parte ng ating lipunan na patuloy lamang na nagtitiis at nananahimik sa gitna ng maliwanag na inhustisya na nangyayari sa kanilang probinsya, at sa ating bayan? Think about it.…
Ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay nagkakaroon ng budget hearing kung saan dapat hinihimay nang lubos ang bawat departamento, at ang mga programa ng mga departamentong ito na paglalaanan ng pera ng bayan. Ang Kamara at Senado ang nag-aapruba sa paglalaan ng bilyon-bilyong piso para sa flood management, flood control at flood mitigation projects. Ngayon inuusisa ito ng Senado, saan daw napunta ang pera, at bakit wala umanong master plan? Nagbigay kayo ng bilyon-bilyong pisong pondo sa programang walang master plan? Habang nagagalit din ang ilang mambabatas kung bakit kinukuha ng Department of Finance ang P89.9 billion na pera ng PhilHealth. Sino ba ang nag-lagay, at nag-apruba sa general appropriations act para payagan na ito ay gawin ng DOF sa PhilHealth? Think about it. #ThinkAboutIt #TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM…
Mula 2016 hanggang 2023 aabot na sa 854 bilyong piso ang kabuuang halaga na inilaan ng bayan para sa flood control at flood management program ng gobyerno. Magkaiba pa ang budget ng DPWH at MMDA at mistulang bumabaha ang pera ng bayan na inilalaan para sa problema ng pagbaha. Pero sa halip na mabawasan ay bakit lalong tumitindi pa ang pagbabaha sa Metro Manila at mga karatig lalawigan tuwing may malakas na ulan? Taong 2012 pa lang may nabuo nang Metro Manila Flood Management Master Plan. May master plan na naman. Malinaw na hindi pondo ang ugat ng problema kundi kawalan ng pananagutan ng mga opisyal na nagpapatupad sa mga proyekto ng gobyerno. Mga opisyal ng gobyerno na sila ring pumipili ng mga kontratista para sa mga proyektong ito. Patuloy na magdurusa ang bayan sa problema ng baha hangga't hindi nalilinis ang hanay ng gobyerno sa mga basura sa loob nito. Think about it.…
Noong Lunes, July 22, napanood ng mga Pilipino ang marangya at engrandeng SONA ng Pangulong Marcos Jr. Isang araw lamang pagkatapos nito mga imahe na ng reyalidad sa paghihirap ng mga Pilipinong sinalanta ng Bagyong Carina at habagat ang lumantad sa atin. Sa SONA, full force ang paggamit sa resources ng gobyerno. Sa malawakang pagbabaha kahapon sa Metro Manila at karatig lalawigan, may mga nagtatanong kung bakit hindi full force ang gobyerno sa pagresponde sa mga biktima ng sakuna? Ang mga dumalo sa SONA ay mga nagpapakilalang servants of the people. Bakit tila lahat na ay gagawin para maging maayos, ligtas at kumportable ang okasyon na dinadaluhan ng mga “servants of the people”? Bakit ang “people” na dapat sana’y pinaglilingkuran ng gobyerno ay kinakailangang magtiis at makipagsapalaran sa panahon ng sakuna? Baliktad na nga ba ang mundo? Ang servants of the people ay nagiging masters of the people. Think about it.…
Para saan ba ang State of the Nation Address (SONA)? Reunion ba raw ito ng mga dinastiya na ang turing sa gobyerno ay family business? Ito ba ay fashion show ng mga milyonaryo at bilyonaryong mambabatas? Magkano ba ang totoong gastos ng bayan sa ikatlong SONA ni Pangulong Marcos Jr. sa July 22, 2024? Ano ba ang totoong “State of the Nation”? Ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia ang pangunahing suliranin ng mga Pilipino na dapat solusyunan ng gobyerno ay ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin, dagdag-sweldo para sa mga manggagawa, at ang antas ng kahirapan ng mga Pilipino. Sa harap ng problema sa kahirapan ng napakaraming Pilipino, ano naman kaya ang lalamanin ng SONA ng Pangulo sa Lunes? Sabihin na naman niya kaya na “the state of the nation is sound”? O marinig na kaya ng Pangulo ang totoong sound o tunog ng hinaing ng mga nagdarahop na mga Pilipino? Think about it.…
Mula 2021 hanggang sa kasalukuyan, umabot na ng 89.9 billion pesos ang subsidiya ng gobyerno na hindi pa nagagamit ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth. Dahil dito binabawi ng Department of Finance ang naturang subsidiya, na galing naman sa koleksyon ng gobyerno sa sin taxes. Gagamitin daw ng gobyerno ang 89.9 billion pesos para sa unprogrammed appropriations o proyekto ng gobyerno na walang pondo. Tama ba ‘yun? Sa halip na palawakin ang benepisyo ng mga miyembro ng Philhealth o babaan ang kontribusyon ng mga miyembro dahil sa sinasabing sobrang pera ng Philhealth, kukunin ito ng Department of Finance. Dahil sa kapabayaan at kawalan ng kakayahan ng mga namumuno sa Philhealth, pangkaraniwang Pilipino na naman ang magsasakripisyo… Bayan na naman ang agrabyado? Think about it.…
Mula nang ilunsad ng Department of Transportation ang PUV modernization program noong 2017, nakailang ulit nang nagbanta ang DOTr at LTFRB na huhulihin ang mga driver-operator ng mga pampublikong sasakyan na hindi susunod sa modernisasyon. April 30, 2024 ang ikawalong itinakdang deadline ng pamahalaan para sa PUV modernization at nagbanta muli ang DOTr at LTFRB na huhulihin ang unconsolidated PUVs na umano'y binawian na ng prangkisa pagdating ng Mayo uno. Pero magdadalawang buwan na matapos ang huling deadline, wala pa ring nangyayaring hulihan at patuloy na bumabiyahe ang unconsolidated PUVs na itinuturing na ngayong colorum. Hindi na nakapagtataka na nag-aalangang manghuli ang gobyerno ng mga sinasabing colorum na jeepneys at uv express, sa takot na mapahiya sila sa pagkakamaling nagawa sa pagpapatupad ng PUV modernization program? Sa kamalian ng pagpapatupad ng pamahalaan, nilalagay nila sa peligro ang mga mananakay na sapilitang tatangkilik sa colorum dahil walang masasakyan? At dahil sa maling pagpapatupad ng PUV modernization program, pinapahamak ng gobyerno ang kabuhayan at kinabukasan ng libo-libong pamilyang Pilipino na ang buhay ay nakasalalay sa pamamasada. Think about it.…
Pera ang sinasabing dahilan ng mga nagtatanggol sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO. Perang kinikita ng PAGCOR at ng pamahalaan mula sa POGO. Sa harap ito ng lumalakas na panawagan na tuluyan nang ipagbawal ang lahat ng POGO sa Pilipinas dahil sa tumitinding kriminalidad na kinasasangkutan ng mga POGO workers na karamihan ay mga dayuhang Chinese. Sa pinakahuling pagsalakay na ginawa ng PAOCC sa Porac, Pampanga, nalantad na naman ang mga kaso ng human trafficking, sex slavery, kidnap victims at scam hub. Luminaw na rin ang kaso ng posibleng money laundering sa iba pang POGO hubs. Ano ba ang mas matimbang, ang sinasabing 0.2% na naimbag ng POGO sa ating gross domestic product bilang dahilan sa pagpayag ng gobyerno na ito’y manatili sa Pilipinas? O ang hindi masukat na kriminalidad, sakit ng ulo, problema, masamang imahe, kahihiyan ng bansa at perwisyo sa bayan na idinudulot ng Philippine Offshore Gaming Operators para tuluyan na itong ipagbawal. Think about it.…
Nagsimula ang konstruksyon ng dalawampu't dalawang kilometrong Metro Rail Transit Line 7 o MRT-7 noong 2016 at ipinangalandakan ng Kalihim noon ng Department of Transportation na makapagsisimula ang operasyon ng tren sa huling bahagi ng 2019, subalit hindi ito nagkatotoo. Sa katunayan, 2008 pa nagsimula ang plano ng MRT-7 subalit lubusan nang naantala ng higit dalawang dekada ang proyekto nang hindi magampanan ng gobyerno ang kanyang tungkulin at obligasyon sa right of way at dahil din sa hindi pagkakasundo ng national at local government, at hirap sa pagkuha ng mga permit. Ang mga aberya sa pagpapatupad ng ganitong proyekto ay sumasalamim sa uri ng pamamalakad at pangangasiwa ng pamahalaan sa mga mahahalagang proyektong pang-imprastraktura. Kaya kahit maya't-maya mag-abroad si Pangulong Marcos Jr., ay hirap pa rin tayong humikayat ng mga investor na mamuhunan sa Pilipinas sapagkat there is no ease of doing business in the Philippines? Think about it.…
Hindi pa man bumababa sa bente pesos ang presyo ng kada kilo ng bigas kagaya ng ipinangako ng noo'y tumatakbong Pangulong Marcos Jr., may ipinapangako na naman ngayon ang ilang taong gobyerno na kayang pababain hanggang trenta pesos per kilo ang bigas kung maipapasa ang amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL). RTL na ginawang solusyon ng nakaraang administrasyon sa problema ng mataas na inflation sa bigas at susi raw para makaahon sa malaking utang na kinasadlakan ng National Food Authority. Kung ang pangunahing agenda ay pababain ang presyo ng bigas, ang unang hakbang ay pababain ang production cost nito. Paano maibababa ang presyo ng kada kilo ng bigas kung mataas ang kasalukuyang farmgate price ng palay? At ano na nga ba ang nangyari sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), na nalilikom mula sa RTL para raw tulong sa mga magsasaka? Trenta pesos per kilo ng bigas? Mag-aabono na naman ba ang taong bayan para sa subsidiyang ibibigay ng gobyerno para lang may maibentang murang bigas ang NFA? NFA na mula noon hanggang ngayon, ay nababahiran pa rin ng korapsyon. Think about it.…
Tapos na ang global warming, at dumating na ang panahon ng global boiling. Naitala na pinakamainit na panahon sa kasaysayan ng mundo ang mga taong 2014-2023, at walang duda na ang kasalukuyang taon ay maisasama bilang isa sa pinakamainit na taon. Tatlong beses na bumilis ang pag-init ng mundo mula 1982, na ngayo'y nagdudulot ng malawakang pinsala sa buhay at kabuhayan ng sangkatauhan. Sa Pilipinas, kasama sa pag-aaral ng Climate Change Action Plan ang pagpapasa ng National Land Use Policy upang makatulong sa bansa na maibsan ang epekto ng climate change at perwisyong idinudulot ng mga kalamidad, subalit tatlumpung taon na itong isinasalang sa Kongreso ay hanggang ngayon hindi pa rin ito naipapasa. Bagamat responsibilidad ng bawat isa sa atin na tumulong sa pangangalaga ng kalikasan, political will pa rin ng ating mga lider ang kailangan upang kahit paano ay mapabagal man lamang ang patuloy na pag-init ng mundo. Pero paano nga magkakaroon ng political will ang ating mga lider kung patuloy na makikipagsabwatan ang gobyerno sa mga ganid na tao sa mundo? Think about it.…
Minamandato ng ating 1987 Constitution ang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng Pilipino para maging lingkod bayan sa pamamagitan ng pagbabawal ng political dynasties. Pero kailangan ng batas na tutukoy dito. Ang kaso, higit tatlong dekada na mula nang ipatupad ang konstitusyon, bigo pa rin ang Kongreso na magpasa ng batas na nagbabawal sa political dynasties. Mga dinastiya na ayon sa mga pag-aaral ay pumipigil sa progreso ng mga mamamayan. Paano nga naman papasa ang batas na nagbabawal sa mga dinastiya kung ang Philippine Congress ay pinamamahayan ng mga matatabang dinastiya o fat dynasty? Paano susunod sa utos ng konstitusyon ang mga mambabatas kung ang interes ng kanilang mga pamilya ang tatamaan? Think about it.…
Ang April 30 deadline para sa consolidation ng mga prangkisa ng lahat ng public utility vehicles sa bansa ay wala na raw extension pa. Inabot na nga ng walong extension ang deadline subalit wala pa ang Route Rationalization Plan na siyang pinakaimportanteng bahagi ng PUV Modernization Program. Ito ang sisiguro na magiging maayos ang pamamasada ng mga PUV sa lahat ng ruta sa buong Pilipinas. Ito rin ang sisiguro na ang mga ruta na papasadahan ng mga PUV ay kikita para makapagbayad ang mga kooperatiba at korporasyon sa kanilang uutangin na units. Mga kooperatiba at korporasyon na pinipilit ng gobyerno na buuin ng mga PUV operator. Walang duda sa magandang adhikain ng programa, pero hindi kaya mukhang napasubo lang dito ang gobyerno? Think about it.…
Nobyembre 2023 nang kumalat online ang mga litrato at video ng isang pula at isang asul na Bugatti Chiron na ibinibida sa mga kalye ng Metro Manila. Nagkakahalaga ng halos 170 million pesos ang bawat isang Bugatti at ang buwis na dapat bayaran para rito ay halos katumbas ng halaga ng bawat isang Bugatti. Kung hindi pa naging viral sa social media at naibulgar sa Senado na kwestyunable ang mga dokumento ng dalawang hypercars, hindi kikilos ang Bureau of Customs upang makuha ang mga sasakyan. Bagamat smuggled, naparehistro ang hypercars sa LTO dahil may certificate of payment na kwestyunable ang authenticity. Mabilis na nag-imbestiga ang LTO at kinasuhan ang mga tauhan nila na nasangkot. Pero bakit ang BOC nananahimik hanggang ngayon? Magkakaroon kaya sila ng totoong imbestigasyon na magiging daan upang mabulgar ang mga personalidad at kawani na nakikinabang sa talamak na smuggling ng mga tinatawag na supercars at hypercars? Think about it.…
Ferrari, Lamborghini, Porsche, at McLaren. Mga tinaguriang supercars! At meron pang hypercars kagaya ng Bugatti na ang halaga ng bawat isang kotse ay halos 170million pesos! Ibinibida sa ating mga kalsada ang mga kotseng ganito. Ang tanong: nagbayad ba ng tamang buwis ang mga may-ari nito? Dahil sa ginagawang imbestigasyon ngayon sa 2 Bugatti Chiron na naparehistro sa LTO ay lumabas ang katotohanan na ang mga ito ay mga puslit! Bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa talamak na smuggling ng mga supercars at hypercars sa pakikipagsabwatan ng mga taga-Bureau of Customs sa smugglers! May imbestigasyon na nga na naman ngayon sa isyung ito…ito na kaya ’yun? Dito na malalantad ang mga pangalan at mukha ng mga miyembro ng sindikato at ng kanilang mga padrino? Think about it.…
Bilang tugon sa mga nangyaring pandarambong sa kaban ng bayan noong panahon ng diktadurya, ipinasa ng Kongreso noong 1991 ang Plunder Law. Subalit hanggang ngayon, nagpapatuloy ang walang habas na pagnanakaw sa pera ng bayan. Talamak pa rin ang korapsyon. Sa pinakabagong report ng Transparency International, ang Pilipinas ay bagsak pa rin sa Corruption Perceptions Index. At sa baba ng antas ng Pilipinas sa pagsugpo sa korapsyon, itinuturing na may impunity for corruption sa ating bansa. Walang takot ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan dahil hindi sila napapanagot. Bakit nangyayari ito? Think about it. For more videos, visit us at www.news5.com.ph.…
Tervetuloa Player FM:n!
Player FM skannaa verkkoa löytääkseen korkealaatuisia podcasteja, joista voit nauttia juuri nyt. Se on paras podcast-sovellus ja toimii Androidilla, iPhonela, ja verkossa. Rekisteröidy sykronoidaksesi tilaukset laitteiden välillä.